"Lolo, kumusta po ang pakiramdam ninyo?" tanong ni Thaddeus kay Lolo Demetrio.
Nasa hapag kainan sila at kasalukuyang nag-aalmusal. Hindi pa rin maalis sa isipan ni Thad ang nangyari ng nagdaang gabi. Nasa early stage na ang alzheimer ng kanyang lolo at kung minsan pa nga ay may mga panahon na siya mismo ay hindi nakikilala nito. May pagkabingi na rin ito dala ng katandaan.
"Ano ba naman klaseng tanong yan, Bonito?" masungit na sagot nito.
Napailing na lamang si Thad. May mga pagkakataon talaga na malayo ang mga sagot nito. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakatitig sa matanda. Iniangat niya ang mug ng kape at uminom mula doon. Bigla naman pumasok sa isipan niya ang naging eksena kagabi sa lugar kung saan sinundo niya ang abuelo.
Sa tulong ng kaibigan niyang agent mula sa NBI ay na-trace nila ang eksaktong lokasyon ng huli kahapon. Sa isang squatter's area di kalayuan sa paligid ng simbahan niya natagpuan ang kanyang lolo. Varda, ang pangalan ng naka-usap niya doon.
Nabanggit din nito kung paanong napadpad ang matanda sa lugar. Hindi niya matagalan ang lugar na iyon kaya naman nagbigay siya ng sapat na halaga bilang pasasalamat sa pagmamalasakit ni Varda. Ang nangyaring iyon ay hindi na bago sa kanya.
Pangatlong beses ng nagawa ng kanyang lolo ang tumakas mula sa mga personal maid nito. Ang hindi niya maitindihan ay kung paano niya nagagawa iyon samantalang dalawa ang inaatasan niyang magbantay dito.
Ang isa ay nurse na kinuha niya pa mula sa kilalang hospital at ang pangalawa naman ay ang licensed Physical Therapist nito. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Di yata ay nasasayang ang ibinabayad niya sa mga taong iyon at napapabayaan lamang naman ang kanyang abuelo.
"Gusto ko ng magpahinga, Bonito. Take me to my room, apo," yakag nito.
Tumango siya at mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Inalalayan niya ito ngunit tinabig ang kanyang kamay.
"Hindi ako imbalido kaya ko na ito," asik ng matanda sa kanya.
Napakamot na lamang si Thaddeus sa gilid ng kanyang panga. Sinabayan niya ito sa paglalakad hanggang marating nila ang tapat ng kwarto nito. Malawak na binuksan niya iyon at hinayaang makapasok ang huli.
"Magpahinga na po kayo, 'Lo," ang tanging nasabi niya bago tuluyang isinara ang pintuan.
Nang makabalik siya sa dining area ay nakita niya ang dalawang tagapagbantay ng kanyang lolo. Abala ang mga ito sa paglantak ng pagkain sa mesa. Nakataas pa ang paa ng masahista na si Amor at abala sa pagnguya ng scrambled egg. Ang nurse naman na si Meredith ay ipinasak sa loob ng bibig ang natirang pancake sa pinggan na ginamit niya habang nakatutok ang mata sa nakapatong na tablet sa mesa.
Aburidong inihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Palagay niya ay matutuyuan siya ng dugo sa dalawang ito. Malakas na pagtikhim ang kanyang ginawa para makuha ang pansin ng dalawa. Agad naman ay bumaling ang mga ito sa kanya.
"Good morning, sir," sabay na bati ng dalawa.
Inilang hakbang niya lamang ang pagitan mula sa kinatatayuan niya at mabilis na nakalapit sa mesa. Naupo siya at seryosong tiningnan ang dalawa. Nakatulala naman ang mga ito. Literal pa na laglag panga ang nurse na si Meredith.
"Tell me the truth, guys. Gusto niyo pa ba ang trabaho niyo?" mahinahon niyang tanong.
Nagkatinginan pa ang dalawa sa kanyang harapan bago sabay na tumango. "Then do your job properly. Both of you are well compensated. You really know about that, right? Huwag naman sana kayong abusado at gawin niyo ng maayos ang trabaho ninyo." Palipat lipat ang tingin niya sa dalawa.
He was never been a bossy and demanding person, but when it comes to his Lolo, probably he will do everything at all costs. He will give all his abuelo's needs, least of all a good assistance of course. He looked at the two ladies in front. Both are quietly staring at him. This was the first time he had the chance to talk with them regarding this matter. And secretly hoped that this will also be the last time. He was a busy man of his chosen career and had no time for small talks.
"Pasensya na po kayo, Sir kung napabayaan namin si Don Demetrio kahapon. May lahi yatang palos ang lolo ninyo dahil magaling umeskapo," mahabang paliwanag ni Amor. Mabuti at tumigil na ito sa pagngata dahil naiinis siya sa paraan ng pagkain nito. Animo kambing ito kung ngumuya at may malakas na tunog pa.
Ibinaling niya ang tingin sa nurse na si Meredith. The woman batted her long lashes at him. He was really aware of her interest on him, but he would always refuse it. She even confessed how much she adores his personality as a man.
"Yes, sir?" maharot na tanong nito sa kanya. Sa totoo lang ay naiinis siya sa mga pagpapa cute nito sa tuwina. Iilang babae lang ang nakakaalpas sa bakod na itinayo niya sa kanyang sarili. He maybe a lot of things but he was a one-woman-man. Yes, once a upon a time in his bachelor's life.
"Can you please stop using your phone while on duty? Pay attention to your patient most of the time and not on your gadgets. Dapat ko pa ba talagang ipaalala sa inyo ang mga responsibilidad niyo?" walang emosyon na sabi niya.
Humingi ng pasensya si Amor ngunit hindi si Meredith. Sa halip ay dinutdot nito ang tirang chocolate syrup sa pinggan at sinipsip ang index finger habang direktang nakatingin sa kanya. Lantaran ang kaharutan ng babae. Kung hindi lamang siya nahihirapan na maghanap ng papalit sa isang ito ay matagal na niyang sinesante ang nurse na ito.
"Meredith," tawag niya. Lalong naging mapang-akit ang tingin nito sa kanya at dinilaan ang syrup na nasa nguso nito.
Gustong gusto na niyang matawa dahil sa ginagawa nitong pang-aakit. Pinapungay pa nito ang mga mata. "Have you had yourself checked? I have this feeling that you badly needed to see a doctor." He crossed his muscled arms over to his chest.
"Hindi pa nga po, sir eh. Gusto niyo po ba na kayo ang mag check sa akin," parang baliw na sagot nito. Kinalas ang ilang butones ng suot na uniform at inikot-ikot pa ang dulo ng buhok gamit ang kabilang kamay.
Hinimas himas niya ang kanyang baba. Kinuha ang wallet bago iniabot ang isang calling card kay Meredith. "Here, that doctor is my friend. You don't have to worry because everything is free of charge," suhestiyon niya. At tuluyan ng umalis doon.
Pinakatitigan naman ng nurse ang card at nanggagalaiting tumili. "How could he! Anong palagay niya sa akin?"
Nilamukos pa nito ang card bago padarag na tumayo.
"Ikaw na bahalang magligpit diyan, Amor!" masungit na sabi nito sa kasama. Tumango naman ang huli dahil hindi makasagot. Punong puno kasi ang bibig niya ng pagkain. Sa dalawang ito si Amor ang malakas kumain.
Nang makalayo ng bahagya si Meredith ay kinuha ni Amor ang lamukos na card at binulatlat. Humagalpak ito ng malakas dahil calling card pala iyon para sa isang mental institution.
"Buti nga sa kanya. Haliparot kasi," bubulong bulong na sabi pa nito.
Malakas ang ulan ng araw na iyon. Hindi nakatulong ang swiper ng Honda Civic ni Thaddeus para mabawasan ang labo ng salamin sa harapang bahagi. Papunta siya sa isa sa limang branches ng hardware na siya lahat ang nagpapatakbo. Hindi biro ang negosyong napili niya. Apat na taon na mula ng ihabilin ng kanyang Daddy ang pamamahala sa mga ito.
Inihinto niya ang kotse sa gilid ng daan. Mula sa maliit na compartment sa ilalim ng kanyang inuupuan ay dinukot niya ang bilog na basahan. Mabilis niyang hinugot iyon at inilabas sa nakabukas na bintana. Hindi siya nahirapan na abutin ang salamin sa harapan. Sa haba ng kanyang biyas ay sisiw lang iyon sa kanya.
Mabilis niyang ipinunas ang basahan doon at bahagya lamang na luminaw iyon. Sa lakas ng ulan ay hindi maiwasan na mabasa ang suot na long sleeved polo.
"I hate rainy days," he exasperately groaned.
Matapos sa pagpupunas ay mabilisan siyang nagpalit ng damit. Mabuti na lamang at palagi siyang may dalang extra shirts tuwing umaalis. He's like a hefty guy and he spends most of his free time in the gym. He fasten his seatbelt again and sped off.
Eksaheradang itinirik ni Dria ang kanyang mga mata para mas convincing ang pag-arte. Kailangan ay hindi makahalata ang kliyente na nasa kanyang harapan. Pinahuhulaan nito kung makakahanap daw ba ito ng lalaking tatanggap ng lubos sa kabila ng pagiging majubis nito. Ito ay pangalawang kliyente niya sa araw ng Lunes. Para sa kanya ito ang pinaka matumal na araw ng panghuhula. Maalat. Olats. Waley.
"Kanina pa nagkakandatirik ang mga mata mo guru, pero wala pa rin akong nakukuhang sagot," bagot na sabi nito.
Patuloy lamang si Dria sa pagtirik ng kanyang mga mata. Ang totoo ay wala siyang maisip na pwedeng sabihin sa babaeng nasa kanyang harap. Gusto sana niyang tanungin ito kung sumubok na itong mag diet ngunit nahihiya naman siya. Baka masaling ang ego ng mga bilbil nito.
"A-ummm, a-ummm-aaaaaa-ummm..."
Paulit-ulit na chant ni Dria. Nakasarado ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid at itinataas taas niya sa ere ang mga ito.
"Sabayan mo ako," udyok niya sa babae.
Narinig niya ang pagtikhim ng majubis at mayamaya pa ay narinig na niyang sumasabay na ito sa kanya. Iminulat niya ang isang mata para silipin ang nasa harap niya. Mariin na nakapikit din ito, nagkakandahaba ang nguso habang nagcha chant.
Pinaglapat niya ang mga labi para supilin ang kanyang tawa. Nilakasan pa niya ang pag chachant kaya gumaya din ang babae.
"Nakikita ko na," simula niya.
"Nakikita ko na rin, guru," sagot naman ng babae.
Muli niyang iminulat ang isang mata upang silipin ito. Nakangiti ito ng malapad kaya naman hindi sinasadya ay nahagip ng kanyang paningin ang ngipin nito. Sa palagay niya ay maraming nakakakonekta sa babae dahil nakabukas ang wifi nito.
Marahil may sakit ang ibang ngipin niya dahil maraming absent doon. Pigil na pigil ni Dria ang bumunghalit ng tawa dahil sa kalokohang naiisip. Muli niyang ipinikit ang mata.
"Nakikita ko na ang itinakda para sa'yo," madramang linya niya. Ipinagpatuloy niya ang eksaheradang chanting.
"Oo ako din, guru. Kitang kita ko," sagot naman ng babae.
Hindi napigilan ni Dria ang mapailing. Niloloko yata siya ng majubis na ito dahil baka nga mas marunong pa itong manghula kaysa sa kanya. Kinabahan tuloy siya ng bongga dahil mabubuking na isa siyang impostora. Mabilis na nakaisip siya ng magandang ideya.
"Sabihin mo sa akin ang iyong nakikita para maitama ko kung mali man iyon," sabi niya sa kaharap.
Ramdam niya ang pawis na namumuo sa kanyang noo. Lihim niyang nahiling na sana ay makumbinsi niya ang babaeng ito.
"Isang galon ng ice cream, crispy pata, triple chocolate cake," ang sabi ng kliyente niya.
Mabilis na idinilat ni Dria ang dalawang mata at laglag ang panga na tumunganga sa kaharap.
"Ang sarap, sarap, guru," sambit pa ng majubis.
Pambihira naman kaya pala hindi na mabilang ang layers niya sa tiyan dahil pati sa imahinasyon ay foodtrip pa rin ang peg nito. Sa isip ni Dria.
Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman pala ito magdududa sa mga sasabihin niya. Tumikhim siya at inumpisahan na ang kanyang walang kwentang payo.
"Makinig ka...,"
"Nakikinig po ako, guru," antipatikang sagot nito na nanatiling nakapikit. Lihim na napaismid siya.
"Walang nakatakda para sa'yo," diretsahan niyang sabi.
Iminulat naman ng babae ang mga mata at malungkot na tumingin sa kanya. Agad ang sundot ng konsensiya sa kanya kaya naman dinugtungan niya ang naunang sinabi.
"Walang nakatakda sa'yo sa ngayon. Pero kung pipilitin mong bawasan ang mga sagabal na nasa tiyan mo ay paniguradong magkakandarapa ang mga boylet sa'yo," mahabang litanya niya.
Biglang lumiwanag ang mukha nito dahil sa kaniyang sinabi. "Sabagay panahon na rin siguro para bawasan ko ang timbang ko. Nakaka-miss na rin kasi ang mala- Andrea Torres kong hubog," puno ng pananabik na sabi nito.
Napangiwi si Dria sa sinabi nito at napatango na lamang. Hindi niya gusto na kontrahin pa ang trip niya dahil baka hindi pa ito magbigay ng tipelya.
"Gawin mo iyon para sa sarili mo at hindi para sa lalaking pinapangarap mo. At dapat maging proud ka sa mga bilbil mo dahil pinaghirapan mo yan. Ilang extra rice din ang katumbas niyan ha," gagad pa niya.
Humagalpak ng tawa ang babae. Nakabuka ng maigi ang bibig kaya naman halos masilip na niya ang ngala-ngala nito. Pinilit na lamang niya na ngumiti. Naaalibadbaran na kasi siya sa eksena pero kailangan tiisin. Wala siyang choice dahil isa lamang siya sa mga nilalang na alipin ng salapi.
"Thank you so much, guru," nakangiting sabi nito. Inilagay ang dalawang daan sa mahiwagang takure.
"Welcome rotonda, balik ka ha. Push mo na ang pagpapayat," sabi niya pang muli.
Ipinagbukas niya ng pintuan ang huli at kumaway pa nga ng makalabas sa kanyang shop.
Naupo siyang muli sa kanyang thinking chair. Naalala niya ang kabulastugan na ginawa ng kanyang Tsong Domeng nang nagdaang gabi. Kinikilabutan siya sa tuwing sumasagi iyon sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan kung paano nabubuksan ng manyakis na matanda ang pintuan ng kanyang kwarto. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpalit ng kandado ng kwarto. Napabuntong hininga na lamang siya at inalis ang nakabalot na abaya. Sinimulan niyang kainin ang nilupak na binili niya kanina. Kailangan niyang bumili ng bagong kandado kaya naman dadaan muna siya sa Dwight Merchandising bago umuwi.