Umaalingasaw ang mabahong amoy sa kahabaan ng Plaza Miranda kung saan kasalukuyang naglalakad si Dria. Kombinasyon iyon ng pinagsama samang basura, dumi at ihi ng tao. Ito ang lugar na kinamulatan niya at kahit kailan ay hindi niya ikinahihiya iyon. Ang bawat sulok ng Quiapo ay bahagi na ng kanyang buhay. Magmula sa mga underground passes, estero, eskinita man o buildings, lugawan, pasugalan, bahay-aliwan ay ilan lamang sa mga lugar na minsan ay naging saksi sa kanyang pagkatao.
Kwento ng kanyang Ima, ang tatay niya daw ay isang colonel noong araw. Si Vladimir Kohl Hossenzadel. Dala niya ang apelyido nito dahil kasal ito at ang kanyang Ima sa huwes. Hindi daw naging madali ang buhay pag-ibig nila at ayun nga nauwi sila sa lamporeber stage. Nalaman na lang daw ng kanyang Ima na namatay sa isang madugong giyera ang tatay niya. Ang kanyang Lola Carmen ang siyang naging gabay niya sa paglaki.
Pinalaki siya nito sa makalumang pamamaraan ngunit bukas ang isipan sa katotohanan ng mundo. Kung gaano ito makasalanan at kung paano umiinog ang buhay ng tao sa loob ng sementadong gubat.
Gayunpaman naniniwala siya sa kasabihang
"Quiapo man ay langit din."
Kinuha niya mula sa loob ng bra ang made-in-china na phone. Naturingan pa namang touchscreen pero lintik sa hirap kapag pinipindot. Kinabog pa ang bato ni darna dahil sa sobrang tigas ng screen. Mahirap mag finger ng may panggigil sa matigas na cellphone kaya naman malapit-lapit na rin niya na idispatsa iyon.
Sinagot niya ang tawag ni Varda habang patuloy na naglalakad sa maputik na kalsada. Katitila lang kasi ng ulan at mabuti na lang hindi bumaha. Dahil kung hindi ay kasabay niya sa pagbagtas ng baha ang mga basura na nakapaligid sa daan.
"Beks, bakit? Malapit na ako diyan sa bahay. Bumili ako ng litsong manok," tamad na sabi niya. Kinusot niya ang ilong dahil sumasama sa pang gabing hangin ang alingasaw ng amoy sa paligid.
Malakas na tili ang isinagot niya ni Varda sa kanya. Napangiwi siya dahil sa lakas niyon. Inilipat niya sa loudspeaker ang phone.
"Anong itinitili mo, bakla ka? Baka mapasukan ng lamok yang bibig mo," masungit na sabi niya dito.
"E, kasi ano..." parang timang na sagot nito.
"Ano nga?" inis niyang tanong. Kumukururog na kasi ang kanyang tiyan dahil sa labis na gutom.
"Eto na nga, bakla, chika galore ko na. Ano kasi dumating dito yung Bonito tapos grabe natulala talaga ako. Alam mo yun, beks hunkadoodle pala ang apo ni lolo Demet!"
Eksaheradang kwento nito.
Kusang umikot ang kanyang mga mata dahil sa iritasyon. Ito talagang si Varda basta makakita ng gwapo kinikilig na ang tumbong. Tumigil siya saglit dahil patawid na din naman at pinadaan muna ang mga sasakyan.
"Oh, ano? Umariba ka na naman? Ipinahiya mo ba ang lahi natin sa harap ng tipaklong na yun? Harujusko, Varda, bawasan mo naman yung kalandian mo," sermon niya sa maharot niyang pinsan.
"Babawasan ko at ipapamahagi ko sa'yo yung iba. Ang dami mong kemerlu diyan. Naku, kung nakita mo lang ang afam na yun, for sure kikiligin din yang pukelyabum mo 'no," saad nito. Naiimagine niya ang tikwasang nguso ng baklita at hindi niya mapigilang mapailing habang natatawa.
Tumawa rin mula sa kabilang linya ang baklita at muling nagsalita. "Grabe ka sa akin, couz. Pero sayang umalis na sila e, hindi mo tuloy nakita si Bonito. Feeling ko nga malaki at malinamnam ang kabute niya." Sinabayan niya pa iyon ng malanding pagtawa pagkatapos.
"Nakakasura ka! Teka nga, kill ko na ang phone at mamaya na natin ituloy ang chika," paalam niya bago tinuluyang mabilis na isinuksok yun sa loob ng kanyang bra.
Hahakbang na sana siya para tuluyang makatawid ng bigla naman may umakbay sa kanya. Hindi siya makagalaw dahil hinigit siya nito palapit sa katawan nito. Sinalakay ng mabahong amoy ng kilikili nito ang kanyang ilong. Halos maduwal siya doon.
"Akin na yang selpon mo!" marahas na bulong nito.
Pakiramdam niya ay hindi siya mamatay sa icepick na nasa tagiliran kung hindi ay sa mabahong amoy ng lalaki. Penta kill ang kombinasyon ng umaalingasaw nitong kilikili at amoy imburnal na bunganga! Nilingon niya ang lalaki dahil pamilyar sa kanya ang ang boses nito. Matalim ang mapupulang mga mata nito na nakatutok sa kanya.
"Ikaw na naman?" imbyernang tanong niya sa kaharap.
Dalawang beses na siyang nagoyo ng hinayupak na ito. Ngayon naman ay trip ang kanyang bulok na phone. Hindi pa siya nakakabili ng kapalit ay balak ng kuhanin ng bakulaw na ito!
"Oo ako nga. Bakit kasi palagi kang mag-isa tuwing naghahanap ako ng biktima? Baka naman meants to be tayo?" mayabang na sabi nito.
Ang kapal ng mukha ng bakulaw na ito ha!
Malakas na inihampas niya sa mukha nito ang plastik ng bagong lutong lechon manok. Mukhang napalakas nga iyon dahil kumalat ang sarsa sa mukha ng lalaki. Maanghang pa naman iyon. Kinusot nito ang kanyang mata habang patuloy siya sa pakikipagbuno dito.
Inis na inis talaga siya sa mga tulad nito na mahilig manlamang ng kapwa. Sinasamantala ang kahinaan ng mga biktima niya. Inabot niya ang isang plastic bag ng basura na nakita sa may gilid at walang habas na inihampas sa lalaki. Wala na siyang pakialam pa kung madumihan man ang kamay niya. Sa lakas ng pagpapasag niya ay bahagya siya nitong nabitawan.
"Leche ka! Ang kapal ng mukha mong sabihin na meants to be tayo. Like duh! Confidence ka pa na sabihin sa akin yun ha, etong sa'yo!" hiyaw niya habang patuloy sa pagbalibag ng mga plastik ng basura sa kanya. Lumapit ang lalaki sa kanya kahit pa nga panay ang punas nito sa kanyang mata. Nahagip nito muli si Dria at binitawan na niya ang icepick para masabunutan siya. Iniikot-ikot nito ang kanyang buhok at sisikmuraan na sana siya ngunit bigla itong lumayo ng marinig ang malakas na wangwang. Isang patrol mobil ang palapit sa kinaroroonan nila.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo, wag kang tumakas!" hiyaw niya sa nagngangalit na ngipin.
Huminto ang sasakyan ilang hakbang mula sa kanya at lumabas ang mga naka-unipormeng pulis. Mabilis na lumapit ang isang pulis sa kanya samantalang ang dalawa pa ay hinabol ang bakulaw na nagtangka sa kanya.
"Dria, ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki sa kanya. Hinawakan nito magkabilang balikat niya para mapaharap siya.
Inilipat niya ang tingin dito at kita niya ang labis na pag-aalala sa mukha nito. "Sixto, buti dumating ka," parang bata na anas niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay pero mabilis na binawi niya iyon.
"Halika sa presinto, iblotter mo yung gagong nang hold-up sa'yo," yakag niya. Tumango na lamang siya at sumunod dito.
Sa loob ng patrol car ay nag radyo muna ito sa mga kasamahan niya bago pinasibad ang sasakyan papuntang presinto. Nanatiling tahimik si Dria habang biyahe.
"Miss, may nakuha ba sa'yo?" tanong ng imbestigador sa harap niya. Umiling siya at pasimpleng inamoy ang kanyang sarili.
Walang gustong tumabi sa kanya dahil nangangamoy basura siya. Pero hindi si Sixto na abala sa paglalagay ng alcohol sa sugatan niyang kamay. Ni hindi niya naisip na nasugatan pala siya. Siguro may nahawakan siyang matalim o baka lata ang nakasugat sa kanya.
"Ayos na yan. Nalagyan ko ng antiseptic," sabi ni Sixto. Sinundan niya ng tingin ang kamay niyang humawak sa hibla ng kanyang buhok. Inalis nito ang nakasabit na balat ng itlog doon.
Mabait talaga sa lahat si Sixto lalo na sa kanya. Magkapitbahay sila at kaklase niya noon sa highschool ang kapatid nitong si Creamhilda na kalaunan ay naging isa sa malalapit niyang kaibigan.
"Salamat, Sixto. Pasensya ka na at naabala pa kita," nakayukong sabi niya.
Bumuntong hininga naman siya. "Sa susunod magpasama ka na lang kung saan ka pupunta. Nakalimutan mo yata na accident prone ka, Dria," paalala nito umiiling-iling pa.
Tumango naman siya. "Miss, ito ba ang nang hold-up sa'yo?" tanong ng imbestigador. Hawak nito ang litrato ng lalaking mismong nagtangka sa kanya.
"Opo, siya nga. Yung may mabahong kilikili at amoy imburnal na bunganga," mabilis na sagot niya naman.
Hagikhikan ang narinig niya sa paligid. Simpleng ngiti naman ang nakita niya na reaksiyon ni Sixto ng lingunin ito. Nalaman niya na notorious na holdaper at magnanakaw pala ang lalaking iyon. Nasa drug watch list din ito at patung patong na ang mga kaso. Maya-maya pa ay humahangos na dumating si Varda kasama ang jowa niyang si Jonel.
Isang oras din ang inilagi nila presinto bago tuluyan ng lumakad pauwi. Naikwento niya lahat kay Varda ang nangyari. Sa bahay ay naabutan niya ang kanyang Ima at Tsong Domeng sa sala na naglalampungan. Sa edad na kwarenta y singko ay seksi pa rin ang hubog ng katawan ng kanyang Ima. Marami pa nga ang matandang intsik na nagtitinda sa labasan na nanliligaw dito, pero ang matandang manyakis na ito lamang ang kinababaliwan nito.
Nagmano siya sa huli bago sa kanyang Tsong Domeng na rin. "Kumain na po ba kayo, Ima?" magalang niyang tanong.
"Kumain na kami ng tsong mo. Nainip kami sa kakahintay sa binili mong manok. Baka ika ko ay kinakatay pa dahil sa tagal mong dumating," sabi ng kanyang Ima.
Gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa. Nakalimutan yata nito na anak siya nito at dapat na mas pinagtutuunan niya ng pansin higit kanino man lalo't higit sa lalaking nakapulupot sa kanya.
"Ano pang itinatanga-tanga mo dyan, Dria? Aba, maglinis ka nga ng katawan mo't nangangamoy ka," masungit na sita nito sa kanya.
Pinaglapat niya na lamang ang mga labi para mapigilan ang mga luhang nagbabalak tumulo. "Mahal, bakit mo naman pinagagalitan ang anak natin? Wag naman ganon," pagtatanggol ni Tsong Domeng sa kanya.
Nang marinig iyon ay gusto niyang masuka. Kung alam lamang ng kanyang Ima ang itinatagong ugali ng lalaki niya ay baka siya pa mismo ang tumatadtad sa kabute nito.
"Excuse me po," paalam niya at dumiretso na sa kanyang kwarto. Dinig niya pa ang pagkukwento ni Varda sa kanyang Ima tungkol sa aksidenteng kanyang kinaharap.
Pakiramdam niya ay may humahaplos sa kanyang hita pababa sa binti. Mag-isa lamang siya na natutulog sa kwarto kaya ginapangan siya ng labis na takot. Madaming beses na siyang pinagtangkaan nito at sa tuwing nakiki-usap siya ay tumitigil naman ito sa ginagawa, pero lagi na ay nag-iiwan ng matinding trauma sa kanya ang kamanyakan na ginagawa nito.
Takot na takot siya sa kanyang Tsong Domeng dahil palagi nitong sinasabi na kaya nitong patayin silang mag-ina. Naglandas ang luha sa magkabilang pisngi ni Dria at pakiramdam niya ay naninigas ang kanyang buong katawan.
"Dria, alam kong gising ka. Wag kang matakot hindi ka sasaktan ng tsong," mala demonyong bulong nito sa tapat ng kanyang tenga.
Napabalikwas siya ng bangon ng lumapat sa balikat niya ang palad nito. Itinaas niya hanggang sa dibdib ang kumot para takpan ang sarili. Tatlong taon na mula ng tumira ang matandang manyakis sa kanila at sa 'twina kapag nakakahanap ito ng pagkakataon ay pumupuslit ito ng pangha harass sa kanya.
"Tsong, huwag po," paki-usap niya. Hindi mapigil ang pag-iyak niya lalo ng ibaba nito ang suot na short kasama ang puting brief niya. Tinakpan niya ang mata ng magsimula ito na galawin ang kuluntoy nitong kabute. Kitang kita niya ang repleksiyon nito dahil manipis lang naman ang kanyang kumot.
Nandidiri siya sa ginagawa nito. Lumakas ang kanyang pag-iyak at halos italukbong na niya ang kumot sa kanyang mukha. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganitong uri ng lalaki ang nagustuhan ng kanyang Ima.
"Ayoko na," sumisigok sigok na bulong niya sa ilalim ng nakatalukbong na kumot.
"Ahhhh..." dinig niya ang ungol ng kanyang tsong na sa palagay niya ay tuluyan ng nagparaos.
Isang malakas na kalabog mula sa labas ng ng kwarto ang naging dahilan para tuluyan ng lumabas ang matanda. Dinig niya pa ang paglapat ng pinto ng kanyang kwarto.
"Domingo! Domingo!" tawag ng kanyang Ima mula sa labas.
Naiwan siya doon na malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Sa sobrang takot niya hindi na siya nakatulog pang muli.