Isang tawag mula kay Meredith ang natanggap ni Thad nang umagang iyon. Sobra ang kanyang pag-aalala dahil muli ay nakalabas ng kanilang bahay ang kanyang abuelo. Inis niyang naibato ang cell phone na tumama sa adobeng pader ng kwarto ni Krisanta, ang kanyang flavor-of-the month. Magmula nang maranasan niya ang labis na pagkabigo sa pag-ibig ay hindi na muli siyang nag-seryoso sa departamentong iyon.
Mabilis niyang hinawi ang kumot na tumatabing sa kanyang katawan at naupo sa gilid ng kama. Panay ang buntong-hininga at ramdam rin niya ang hangover. Mababa ang alcohol tolerance niya pero pinilit niyang sabayan ang trip ng babae sa kanyang tabi. Umungol si Santi kaya nilingon niya ito. Nalilis pababa ang kumot na nakatakip sa itaas na bahagi ng katawan nito kaya naman nahantad sa kanya ang malulusog na dibdib ng babaeng magdamag niyang kaulayaw. Two weeks ago lamang sila naging fuck buddies at sa totoo lang ay nae-enjoy niya ang ligayang hatid nito sa kanya.
"Good morning, love." Namamaos na anas ni Santi.
Pinuyat at pinagod niya ito magdamag at siguradong wala pa ito sa huwisyo para bumangon. Mayamaya ay hinawakan niya ang kamay nito na humahagod sa kanyang tagiliran. Bumaba ang tingin niya sa mapupulang marka na nasa itaas na bahagi ng dibdib nito. Lihim siyang napangiti dahil bigla ay pumasok sa isipan niya kung paano niya pinanggigilan ang babae kagabi. Tunay naman kasi ang alindog nito ay nakakapang-akit. Kahit ang pinaka maginoong lalaki ay hindi makakapagpigil sa isang ito.
"Love, I need to leave now. May emergency sa bahay," sabi niya kay Santi na napabalikwas ng bangon.
Hinila nito ang kumot paitaas at bahagyang tinakpan ang kahubdan. Napangisi si Thad dahil doon at hindi man lang inaalis ang mga mata sa katawan ng huli. Malinis na babae si Santi at sa katunayan ay siya ang unang karanasan nito sa kama kaya naman binigyang importansiya niya ang pagkatao nito. Lumapit siya sa huli at marahan na dinampian ng halik ang mga labi nito. Nagtitigan pa sila ngunit ang babae na ang nag-iwas ng tingin. Marahil ay nahihiya sa kanya. Lalong lumawak ang ngisi nang mapansin niya na nagba-blush ang babae. Nagkakakilala sila ni Santi sa isang event kamakailan at doon nagsimula ang malandi nilang ugnayan.
"Bakit, anong nangyari?" Tanong nito sa kanya.
"It's my abuelo. Nakatakas na naman siya sa mga tagabantay niya," sagot niya na naiiling. Napakamot siya sa kanyang sentido bago muling tumabi sa babae at mahigpit na niyakap ito.
Awtomatikong yumakap din ito pabalik sa kanya sabay lapat pa ng mukha sa kanyang dibdib.Marahang hinaplos ni Santi ang kanyang malapad na dibdib bago nagsalita muli. "Ilang beses nang nakatakas ang lolo mo sa mga tagabantay niya. Palagay ko dapat humanap ka ng kapalit na titingin sa kanya," suhestiyon nito.
Napahawak si Thad sa kanyang baba at bahagyang kinamot iyon tapos ay pumalatak pa. "Good idea, love. Pero mahirap kasi maghanap ng magiging kapalit na magta-tiyaga sa sitwasyon ni Lolo," sabi niya na sinabayan pa ng pag-iling.
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang phone ni Santi. Mabilis nitong inabot ang cell phone na nasa ibabaw ng night table at nagpipindot doon. Tuluyan na rin bumangon si Thaddeus na dumiretso sa loob ng banyo. Kailangan niyang magmadali dahil maghahahilap na naman siya sa kanyang abuelo. Saktong natapos siya sa paliligo ay hindi na niya naabutan pa si Santi sa kwarto. Marahil ay abala na ito sa pagkukusina. Dumiretso si Thad doon at niyakap ang nakatalikod na babae. Hinalikan niya ang batok nito habang pinadadausdos ang palad sa nakahantad na mabibilog na hita nito.
"Kung hindi lang ako nagmamadaling umalis ay magdu-duty pa uli ako sa'yo," anas niya sa tenga ni Santi na ngayon ay humahagikhik na.
"Ano ka ba, may ibang araw pa naman e."
Sabay silang nag-almusal. Matapos ang isang oras ay nagpasya na rin siyang umalis sa apartment ng huli para umpisahan na ang panibagong misyon ng paghahanap sa kanyang abuelo.
***
Ginulat si Dria ng isang pamilyar na bulto ng isang lalaking nakatayo sa labas ng kanyang shop. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa isang ito kahit pa nga niliwanag na niya ang lahat nung huli silang mag-usap. Nakasandal si Sixto sa glass door ng kanyang shop at nakatingala sa maaliwalas na langit. Napatingala din tuloy siya para malaman kung ano ba ang sinisipat nito mula roon. Nakapamulsa ito sa gray denim pants na ang ternong pang-itaas ay kulay puti na tshirt na hakab sa katawan nitong mala Derek Ramsay. Tumigil siya ng ilang hakbang na lamang ang layo ng pagitan nila.
"What you think?" usisa niya kay Sixto. Mabilis naman bumaling sa kanya ang binata.
Nanlalalim ang mga mata nito na halatang kulang sa tulog. Base sa nakikita niyang eyebags nito na nagmistulang nangungupahan doon ay malamang na puyat nga ito. Naawa naman tuloy siya. Nilampasan niya si Sixto, lumakad na ng tuluyan sa tapat ng glass door ng shop at ipinasak ang susi sa malaking padlock na nakakabit sa makapal na kadena.
"Pwede ba tayong mag-usap nang masinsinan?"
"Kung 'yung tungkol 'yan sa nauna na nating pinag-usapan hay naku, wag na lang," sagot niya habang binubuksan ang mga pintuan ng shop.
Nang tuluyang makapasok doon ay agad na nakasunod naman ito sa kanya. Si Sixto na mismo ang nagbukas ng mga ilaw bago pa man niya magawa iyon. Aabutin na niya ang remote para buksan ang aircon pero hindi niya na rin nagawa dahil naunahan na naman siya ng parak. Hindi niya mawari kung ano ba ang nagustuhan nito sa kanya. Kung tutuusin ay walang wala siya kumpara sa mga naging nobya nito na ang ilan ay kakilala pa nga niya.
"Upo ka," sabi niya.
Mabilis na naupo ito asa tabi niya at pinakatitigan siya nang maigi. Sabay bumuntong-hininga pa kaya naman nalanghap niya ang amoy toothpaste na hininga nito. Hindi niya kailanman binigyang ng malisya ang mga kabutihang ipinakita nito magmula pa nang makadaupang palad sila. Ni hindi nga niya naisip na mayroon pala itong pagtatangi sa kanya na ilang taon na nitong inililihim.
"Alam kong nabigla ka sa sinabi ko nung huli tayong mag-usap at hindi ko sinasadya 'yun, Dria. Nadala ako ng matinding emosyon ko kaya hindi ko napigilan na tuluyan ng umamin ng tunay kong nararamdaman," malungkot na saad nito.
Para kay Dria kaibigang matalik lamang ito. Puno ng pagsusumamo ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya kaya naman ngumiti siya upang kahit paano ay gumaan naman ang pakiramdam nito. "Ano ka ba naman parang magkapatid na lang nga tayo di ba? Ayokong paasahin ka kaya ibaling mo na lang sa iba iyang espesyal na damdamin mo para sa akin. Pasensya ka na at friendship lang ang kaya kong ibalik sa'yo," wika niya.
Inaasahan na niya na magagalit ito pero nagkamali siya. Bigla na lamang nitong inilapit ang mukha sa kanya at akala niya pa nga ay hahalikan siya nito pero bubulong lang pala. "Kung yung mga kriminal nga napapasuko ko e, ikaw pa kaya? Mamahalin mo rin ako, Dria sa tamang panahon."
Sa halip na mainis sa inakto nito ay bumunghalit siya ng tawa. Napakamot na lang tuloy si Sixto sa kanyang batok na halatang napahiya. "Funny ka talaga. Ano bang palagay mo sa akin kriminal? Tulog muna Sixto, ha, mukhang "yun ang kailangan mo sa ngayon," pag-iiba niya ng usapan dahil sa totoo lang ay medyo naiilang na siya sa presensiya nito.
Lumayo ito nang bahagya bago sumalampak ng upo at muling tumigin sa kanya. "Kailan mo ba ako seseryosohin? Akala mo kasi nakikipaglokohan lang ako sa'yo," may himig tampo at pagkayamot na sabi nito.
Tumayo siya at nameywang.
"Alam ko mga karakas mo Sixto. Katulad ka rin ng mga ibang hokage na pulis diyan. Hindi ba nga may kasabihan na birds of the same feathers fly together?" Nakairap na sabi niya bago muling pinunasan ang kanyang golden takure.
"Binago na ba 'yung kasabihan na "yun?" Dinig niya na sabi ni Sixto kaya nilingon niya ito.
"Ano ka ba 'yun talaga "yun 'no," kumpiyansang sagot niya saka tumalikod na uli. Hindi na niya nakita pa ang pagngisi at mabagal na pag-iling ni Sixto.
Ang pagtunog ng windchimes ng kanyang shop ang naging dahilan para matigil ang pag-uusap nila ni Sixto. Hindi pa niya naisusuot ang abaya ay may kliyente na kaagad na dumating.
"Good day, hija," bati ng matanda sa kanya.
Ngumiti nang maluwang si Dria at sinalubong ang bagong dating. May dala na naman itong leather bag. Nagmano siya at iginiya ito paupo.
"Napadalaw po ulit kayo Lolo Demet?" tanong niya sa nakangiting matanda.